Public Advisory on No Vaccine, No Work Policy

PUBLIC ADVISORY ON NO VACCINE, NO WORK POLICY

05 August 2021

"No vaccine, no work" policy IS NOT ALLOWED.

Based on DOLE Advisory No. 03 Series of 2021, all employers may encourage their employees to get vaccinated. However, any employee who chooses not to get vaccinated or fails to get vaccinated shall not be discriminated against in terms of employment.

Additionally, Republic Act 11525 states that vaccine cards SHALL NOT be considered as an additional requirement for employment purposes.

MENSAHE MULA SA INYONG KAGAWARAN NG KALUSUGAN
05 August 2021

Dama namin ang kagustuhan ng ating mga kababayan na magpabakuna. Nakita po natin ang haba ng pila sa mga vaccination sites. Ngunit nais lamang po naming ipaalala sa lahat na siguraduhin natin ang kaligtasan ng bawat isa.

Huwag po tayong maniwala sa fake news na pag hindi nabakunahan walang ayuda o hindi papapasukin sa trabaho. Iwasan po nating magpakalat ng mga fake news gaya ng mga ito na nagdudulot ng kalituhan sa ating mga kababayan.

Tuloy-tuloy ang ating pagbabakuna laban sa COVID-19. Umulan man o umaraw. ECQ man o GCQ. Suotin ang facemask at faceshield nang maayos, mag physical distancing, at magdala ng alcohol at sariling ballpen kapag tayo ay magpapabakuna nang naayon sa schedule.

Inaanyayaan rin namin ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng registration upang ma-manage ang dami ng tao na pumupunta sa mga vaccination site. Hindi natin pwedeng hayaan na maging super spreader events ang ating pambansang pagbabakuna lalo na at nandito na ang Delta variant.

Muli, siguraduhin natin ang kaligtasan ng ating sarili, pamilya, at komunidad sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum public health standards sa ano mang lugar at ano mang gawain.

Post a Comment

0 Comments