Buwan ng Wikang Pambansa 2022

Buwan ng Wikang Pambansa 2022

Opisyal na inilalathatla ng Kagawaran ng Edukasyon ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 73, s. 2022 o ang Buwan ng Wikang Pambansa 2022.

Sa temang "Filipino at Mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Paglikha at Pagtuklas," ang Buwan ng Wikang Pambansa ay naglalayong ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.

Pormal rin na inilulunsad ng Kagawaran ng Edukasyon, sa pangunguna ng Kawanihan ng Linangan ng Pagkatuto-Sangay ng Pagtuturo at Pagkatuto, ang programang FILIPINO E-TAGUYOD: Pambansang Programa para sa Filipino sa Edukasyon.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 73, s. 2022: https://bit.ly/DM73S2022

26 AUG 2022

MEMORANDUM PANGKAGAWARAN
Blg. 073 S. 2022

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2022

Sa mga:
Direktor ng Kawanihan 
Direktor ng mga Rehiyon
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga pampubliko at Pribadong Paaralan

1. Alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Bilang (Blg.) 1041, s. 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing 1-31 ng Agosto, ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

2. Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ipinatutupad ang KWF Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 8-6 serye 2022 na nagtatakda ng temang, Filipino at Mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Paglikha at Pagtuklas na naglalayon na ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.

3. Layunin ng Buwan ng Wika 2022 ang sumusunod:

a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyo Blg. 1041;
b. Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito;

c. Mahikayat ang iba't ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nitó na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
d. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at

e. Maipakilala sa mga mamamayan Pilipino ang KWF bilang ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nito.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 73, s. 2022: https://bit.ly/DM73S2022

.

Post a Comment

0 Comments